Ang YayText ay isang web-based na sangkap na nagbabago sa normal na teksto upang itoy maging maganda sa pamamagitan ng Unicode. May mahigit 60 na ibat ibang istilo sa YayText, ito ay: bold, italics, strikethrouh, cursive, baliktad na teksto, bubble text, at maliit na teksto. Ang istilo ng font ng YayText ay maaring gamitin sa mga apps at website na may kakayanang mag pakita ng disenyo (Facebook,Twitter, Instagram, YouTube, etc.) sa pag copy at paste lamang.
Ang YayText ay sangkap sa kung sino man ang gustong mag istilo ng kanyang mga teksto sa kadahilanan na hindi ito agad maisasagawa. Ang mga tao sa social media, mga brand, mga influencer, mga techies, mga artista, mga tandang maliit, at mga buryong na normies ay maaring gumamit ng YayText saan man sa mundo. Kung marunong kang mag copy at paste, maari kang gumamit ng YayText. Ginagamit mo ba ang YayText sa interesanteng paraan? Gusto namin yan marinig at baka sakaling matuto kami dyan.
Ang Unicode ay isang istandard na ang hangarin ay mabigyan ng katumbas ang mga numero sa bawat simbolo sa wika ng tao. Halimbawa ang letrang "a" ay 97, ang letrang “ñ” ay 241, at ang simbolong “π” ay 960. Ang mga simbolo sa Math, mga emoji, at karakter sa daandaang lenggwahe (Hebrew, Chinese, Urdu, etc.) ay may mga katumbas na character code sa ispesipikasyon ng Unicode. Sumatotal, may mahigit kumulang 130,000 na ibat ibang mga simbolo ng Unicode, na taon taon ay may nadadagdag.
Ang YayText ay may kakayanang lumikha ng mahigit sa 60 na estilo ng font, kasama na rito ang bold, italic, strikethrough, bubble na teksto, baliktarang teksto, cursive, gothic, small caps, magkakapatong na teksto, superscript... at nagdadagdag kami oras oras.
Kung ang operating system, app, o kaya'y font ay hindi kayang mairender ang ispesipikong karakter ng unicode, ito ay babalik sa palitan ang karakterr. Ang pagpalit ng karakter ay karaniwang hugis kahon na may panandang pananong, kahon na may letra sa loob, o hugis diamante na may panandang pananong. Kung ikaw ay mag lalathala ng kung ano man gamit ang YayText na itsura, ito ay maaring mag mukhang ayos sa iyo, ngunit ang iba na may hindi kompatibol na device ay maaaring makakita ng alternatibong karakter.
Pwede mong gamitin ang YayText sa kung saan mo man naiisin mag lagay ng teksto. Kasama na rin dito ang mga social media sites, mga comment threads, mga forum at mga docs atbp.
Oo, nakadisenyo ang YayText upang gumana sa selpon. Kung ang mga istilo ng YayText ay hindi nag pakita sa selpon, ito ay dahil hindi suportado ng gamit mo ang Unicode na sinusubukan mong gamitin.
Iminumungkahi namin na wag gamitin ang YayText kung kailangan mong mabasa ng mga magbabasa ng 100% ang konteksto ng mga nakasulat sa iyong isinulat. Isaisip na ang mga tekstong nilikha ng YayText ay magmumukhang iba sa iba pang mga device, mga app at operating system. Kung handa kang tumanggap ng katotohanang ito, magpakasaya sa pag gamit ng YayText. Kung hindi, mungkahi namin na gumamit na lamang ng normal at hindi galing sa YayText na isitilo.
Kung gusto mong i-unbold, i-unitalicize, o kaya ay tanggalin ang Unicode na istilo ng font na mula sa YayText, gamitin ang tanggalan ng istilo ang pahina o itsek ang clipboard mo sa YayText para sa tunay na itsura ng teksto.
. Kapag pinindot mo ang copy button sa YayText, ang teksto mo ay hindi lamang naililipat sa clipboard ng kompyuter mo. Ang tekstong ito ay mailalathala rin sa clipboard ng YayText. Itong YayText clipboard ay para makita mong muli at kokopyahin nalang kung kailangan. Ang nakaraan ng iyong clipboard ay hindi na itatabi sa aming mga server. Sa browser mo lang ito lalagi.
Maaari mo kaming kontakin sa aming email (yaytext@gmail.com) o kaya sa Facebook Messenger (http://m.me/yaytext).
Gusto namin makarinig sa inyo. Makikita mo kami sa twitter.com/yaytext at facebook.com/yaytext. Ipagbigay alam sa amin kung pano mo nagustuhan ang YayText. If you have questions, please ask. Happy to help. Here's our privacy policy. Built by @varga © Yay Okay LLC 2023.